Saturday, 10 November 2018

ECE BOARD EXAM STORYPage2

After 1 month. medyo nakapag adjust na ako ng kaunti sa pagrereview. Hindi na kagaya nung una na halos nangangapa pa ako, kaya medyo nag bawas na ako ng oras sa aking pagrereview. May mga time na sumisilip ako sa facebook o nanonood ako ng movie minsan, at may mga time rin na talagang wala ako sa mood mag review kaya nag papahinga muna ako ng kaunti. Tapos ay pinipilit ko ulit bumalik sa pagrereview. Pag araw naman ng Biyernes ay hindi na ako nakakareview dahil ng babyahe na ako noon pauwi sa aming bahay sa Olongapo. Wala akong masyadong oras mag review kapag ako ay nasa aming bahay dahil nga sa baby ko na sobrang bibo at makulit, gusto nya ay palagi lang makipaglaro sa akin, kaya palagi nyang tinatapon o sinusulatan yung mga notes at libro ko. Sa katunayan nga ay naka dalawang palit pa ako nang calculator dahil binasag nya ang mga ito.

Pre-Board Exam. Mararamdaman mong malapit na kayo sa kalahati ng review kapag nagsimula na yung mga klase sa subject na EST. Ibig sabihin nito ay Ilang weeks na lang ay nationwide pre-board exam. Dapat na ulit magseryoso dahil patapos na lahat ng lectures sa bawat subject at halos kumpleto na rin yung mga notes at reviewers ko. Akala ko ay magiging maluwag na yung oras ko. Pero hindi pala, dahil nagkasabay sabay na lahat ng dapat kong gawin at natatambakan na ng dapat ireview dahil cover to cover na lahat ng weekly exam, sobrang dami narin ng scope ng special weekly exam at tinambakan narin kami ng mga PDF na babasahin. Kailangan daw aralin at basahin ang lahat ng ito. Ito yung mga time na nagsimula na akong mapressure, dahil kahit sa bilis at sipag ko nang magreview ay parang naghahabol parin ako sa mga dapat kong gawin. Pero hindi pa rin ako sumuko, nagreview lang ako ng nagreview hanggang sa kaya ko. Hanggang sa malapit na nga yung pinaka araw ng nationwide pre-board at nagkaroon kami ng isang linggong break para makapagfile na sa PRC. Sa awa ng dyos ay nakapagfile narin ako ng walang naging problema. Sabi ng iba ay sobrang hirap daw talaga ng pre-board exam, mas mahirap pa daw ito sa actual na board exam. Hanggang sa dumating na nga ang tamang araw para sa pre-board exam at sa Central Colleges of the Philippines ang venue. Kaya 6:30 am pa lang ay nandun na ang lahat at ilang sandali pa ay kanya kanya nang pumasok sa bawat classrooms ang lahat ng mage exam. Unang part ng exam ay MATH at meron lamang 4 hours para ito ay tapusin at 20% ng score ay mula dito. Pasado 8:00 am nag simula ang exam. Sobrang hirap ng mga tanong sa MATH. Merong mga tanong na hindi kaya sagutan ng direkta ng calculator at yung mga calculus ay hindi mo rin basta basta maisulat ng rekta sa calculator dahil sa sobrang hahaba ng mga given at choices, sa pag tatype palang ay siguradong mauubos na ang oras mo, lalo pa sa sobrang bagal mag compute nag calculator mo, dahil pati ito ay hirap rin. Kaya dapat pilitin parin sagutan at gumawa ng diskarte para makapasa ang kaso hindi basta uubra yung mga diskarte lang, kailangan talaga dun ay advance na mga calcu tech. Sa room naming ay walang natapos ng mas maaga sa 12:00 pm, lahat ay nagpasa sa tamang oras. Halatang lahat ay nahirapan ng sobra para sa unang subject. Bumili lang kami ng mga kasama ko ng lunch dun sa pinakamalapit na department store, ang kaso ay sobrang haba ng pila dahil sa dami ng kasabay naming bumili. Kaya naubos ang ilang minuto namin sa pagpila, kung kaya nagmadali na lang kaming kumain at agad na dumiretso sa kanya kanyang room. 1:00 nag magsimula ang ikalawang subject na ELECS at meron namang 5 hours para ito ay tapusin. Mas mahaba ang oras s ELECS dahil ito ay isa major subject at 30% ng score ay mula dito. Medyo mahirap rin ang mga tanong sa ELECS, pero hindi kagaya ng sa MATH at dalawang oras pa lang ay nakapag pasa na ka agad ako. Mas marami rin ang nauna sa akin, dahil pag labas ko ay marami narin ang mga nakatambay sa labas. Napansin ko na maraming naka salamin sa mga naunang natapos at naka salamin rin kasi ako. Dun ko narealized na kapag nakasalamin pala ay mabibilis. Anong malay mo kung sadyang mabibilis lang talaga. LOLZ. Agad akong dumiretsong umuwi sa bahay para magpahinga, dahil sa pagod at stress ng exam. Second day ng pre-board at una ay ang GEAS kung saan mron lamang 4 hours para ito ay tapusin. Mahirap rin talaga ang GEAS at alam ko nung una pa lang na ito talaga yung subject na pinakamahihirapan ako, dahil sa sobrang lawak ng scope at napakadami ng mga maaring itanong, lalong lalo na yung pinakakinatatakutan ng marami, yung strength of materials na subject, kaya nga sabi nila kapag nag pray ka daw ay wag kang humiling ng strength kay god dahil agad nya itong sasagutin, sa halip ay ang hilingin mo daw ay wisdom at guidance.

Aminado ako na nahirapan talaga ako sa subject na ito nung pre-board. Alam kong marami pa talaga akong dapat aralin dito at baka ito pa ang maging weakness ko. Halos iilan lang rin ang nakapagpasa ng mas maaga sa itinakdang oras para sa subject na ito, dahil nga sa hindi biro ang hirap ng mga katanungan. Dumating ang lunch time, ngunit sa time na ito ay prepared na kaming lahat ng mga kasama ko, dahil mayroon na kaming kanya kanyang sariling baon. Agad ulit naming binilisang matapos kumain para makapag scan ng kaunti para sa susunod na subject. 1:00 ng magsimula ang pinakahuling subject at meron namang 5 hours para dito. Hindi gaanong mahirap ang mga tanong sa EST at wala pang dalawang oras ay agad akong natapos. Marami na rin ang mga naunang natapos at silang lahat ay nakatambay na lang sa labas. Pagkatapos na pagkatapos ng pre-board exam ay agad akong nagbyahe pauwi sa aming bahay sa Olongapo. Para makapagpahinga ng ilang araw dahil natapos ang exam sa araw ng Linggo at ang balik ng aming klase ay sa Miyerkules pa.

After ng pre-board exam. Magsisimula na sa wakas ang refresher. Medyo quick approach na ito ng bawat lectures. Talagang mabilisan at maramihang examples na ang sasagutan at aaralin. Ngunit ang araw ng klase ay nabawasan. Mula Monday to Friday ay naging MWF na lamang ito. Medyo maluwag na ng kaunti sa schedule. Pero mas dapat ka nang magfocus na magaral sa panahong ito, dahil sobrang lapit na talaga ng mismong araw ng board exam. Mabilis lang yung araw sa refresher dahil hindi ka naman araw araw my klase e. Sa time na ito dapat tapos mo nang aralin lahat ng lectures. Samantalahin mo na yung mga oras na bakante mo para magpractice na ng magpractice sa mga problem solving sa MATH at GEAS. Sa mga computations kasi ay pinaka the best way pra mamaster mo ay ang pagsosolve. Kapag tinamad ka nang mag praktis kaka compute ay ituloy mo naman yung pagbabasa ng mga PDF galling sa review center mo at yung mga books rin na inadvised nila sa inyo.

I share ko narin pala yung mga books at mga references na ginamit ko sa pag rereview.

MATHEMATICS (20%)
1001 Problem Solving in Mathematics by Tiong or Rojas
Calculator Technique Vol 1 & 2 by Dimal
Engineering Math Vol 1 & 2 by Gillesania (Kung hindi ka nag review center)
Refresher from your review center

ELECTRONICS ENGINEERING (30%)
Grob’s Basic Electronics or Teach yourself Electronics by Gibilisco (Pili ka lang ng isa)
Electrical and Electronics Principles and Technology by John Bird
Electronics Devices by Floyd
Indiabix
Refresher from your review center

GENERAL ENGINEERING & APPLIED SCIENCES (20%)
Blue Book from Excel
1000 Solved Problems in Modern Physics by Kamal
Strength of material by R K Bansal
Refresher from your review center

ELECTRONICS SYSTEMS AND TECHNOLOGIES (30%)
Neets
Principles of Electronic Communication Systems 4th Edition by Frenzel
Electronic Communication system by Kennedy
Data Communications And Networking 4th Edition by Behrouz A. Forouzan

1 month to few weeks before yung board exam. Dito pa lang ay dapat ay halos ready ka na. Dito na mag sstart ung coaching at ito rin yung time na hindi na ako umuuwi sa bahay namin sa Olongapo kapag weekends. Merong ibinigay na guide yung Excel samin. Naka lagay run yung mga dapat sundin at aralin sa bawat araw hanggang sa pinaka huling araw bago ang exam. Para meron kang pattern at hindi ka malito sa mga dapat mong aralin. Kaso hindi ko sinusunod yung guide na yun, basta dapat alam mo lang yung strength at weakness mo sa apat na subject, para dun ka muna mag focus. Alam ko kasing baka maging weakness ko yung GEAS, kaya dun talaga ako masyadong nagpaka focus. Dahil favorite ko naman yung dalawang major subject ko na ELECS at EST ay sinunod ko na lang imaster yung MATH. Lalo yung mga higher math at calcu tech. Kaya two weeks before ng board exam ay halos tapos na ako lahat sa GEAS at MATH. Sinagutan ko lahat ng mga take home exam at mga refresher ng magisa. Pagkatapos ay praktis parin ng mga ibang problem solving sa 1001 Math at calcu tech, at basa ng mga PDF ng ilang oras hanggang sa antukin. Yung time na ito palang rin ako ng start magsulat ng maraming mga formula sa mga kartolina. Sinulat ko lang yung mga alam kong pinaka importante at alam kong pwede kong makalimutan. Hindi na ako nahirapan sa pag sasaulo ng mga formula dahil sa mga mnemonics ni sir Polintan at sa advised samin ni mam Honey Lynn na gumamit ng maliit na note book at isulat run lahat ng pinaka importanteng formula, at basahin na lang ito palagi pagkagising. Kaso yung sakin ay minsan ko lang binabasa, pero effective pa rin talaga sya.

1 week before the board exam. Ito na yung isang buong week na pinaka intense. Pero meron pa rin kaming coaching. Dapat sa mga oras na ito ay nakapag final scan ka na ng lahat ng mga reviewer mo. Tuloy parin yung mga MCQ at pagbabasa. Yung mga araw rin na ito ay inaabangan na ng lahat yung room assignment. Ilang araw bago pa yung exam ay alam ko sa sarili ko na ready na talaga ako. Pero hindi ko alam yung nararamdaman ko na para akong kinakabahan, na parang sobrang excited. Ito rin yung time na ang lahat ay nagsisimula nang maging relihiyoso, dasal dito at dasal dun at yung iba naman ay pinapabasbasan pa ang kanilang mga gagamitin para sa exam. Sa akin naman ay dasal lang at matibay na pananampalataya sa dyos. Alam ko rin sa sarili ko na ginawa ko naman ang lahat ng best ko. Hanggang sa isang araw na lang bago ang board exam ay nakita ko na rin sa wakas ang aking pangalan sa room assignment at ako ay mage exam sa College of the Holy Spirit. Isang araw na lang at exam day na, kaya niready ko muna lahat ng gagamitin ko kinabukasan at tumawag sa aking pamilya para humugot ng kaunting lakas ng loob. Pagkatapos ay nagdasal ng taimtim at pinilit kong matulog ng maaga. 6:00 PM palang ay pinatay ko na agad ang ilaw at sinubukan kong matulog, ngunit hindi talaga ako dinadalaw ng antok hanggang sa magmadaling araw na. Sa wakas ay nakatulog ako ng kahit ilang oras lang.

1st day of ECE Board Exam (October 20, 2018). This is it! Ito na talaga yung araw na yun at wala na talagang atrasan. 4:00 AM ako gumising, agad naligo at nag-almusal para maaga pang makapag final scanning. 6:00 AM ay umalis na ko sa bahay para pumunta sa school kung saan ako mageexam. Bumili muna ako ng pagkain sa Andok’s para hindi na ako mahirapang maghanap ng pagkain para sa lunch. Pag dating ko sa room ay agad ng nagsimulang magbigay ng instructions yung proctor. MATH ang unang subject. Lahat ng exam ay 100 items. Pagkaabot pa lang ng exam ay agad ko na itong tinignan mula sa harap hanggang sa likod. Yung tips dito ay dapat unahin mo munang sagutan yung mga madadali, para marami kang masagot dahil 1 point lang rin naman lahat kahit anong hirap o dali ng tanong. Pinakikiramdaman ko muna maigi ung exam. Pag tingin ko sa first page ay agad kong sinabi sa sarili ko ma bakit parang hindi ko alam lahat to, na blanko yung isip ko dala siguro ng takot at kaba. Parang tumigil na yung mundo ko sa first page pa lang, dahil sa sobrang hirap talaga ng mga tanong. Sabi kasi ng instructor namin na kapag nahihirapan ka ay mas marami rin nahihirapan na kagaya mo, at pantay pantay lang lahat kayo. Kaya hindi ako sumuko, nagdasal ako ng kaunti at huminga ng malalim. Tsaka ko sinimulan magsagot ng mga tanong mula sa dulo papunta sa harap. Hanggang sa marami na akong nasagot sa dulo at naka hinga na ako ng kaunti, damang dama ko bawat tanong na nasasagutan ko ng tama. Masyadong mabilis ang oras sa MATH kaya binilisan ko rin ang pagsasagot para marami akong masagutan. Yung mga mahihirap ay iniskip ko muna at inubos ko lahat ng madadali at mga medium level na tanong. Ginamit ko na lang yung mga natitirang ilang minuto ko sa pag checheck at pagsasagot ng mga difficult level na tanong. Sobrang gipit talaga ng oras sa MATH kaya wala ring nakatapos ng mas maaga sa tamang oras. Sa wakas ay tapos na ang MATH. Kaya oras na para mg lunch, may mga kasabay ako mag lunch kasi kakilala ko rin sa review center ung katabi ko sa exam. Wala nga palang kutsara yung sa take out ng Andok’s, mabuti na lang at may kakilala ako na mahihiraman ng kahit tinidor man lang. Habang kumakain ay pinag uusapan naming na sobrang hirap ng exam. Pero bawal magbanggit ng mga tanong o sagot sa exam. Dahil hindi ito makakabuti para sa isat isa. Lalo na kung malalaman mong mababawasan yung tama mo. Kaya nakakabawas rin ito ng self confidence at medyo nakaka depress. Sabi nga nila ay pag natapos na ang isang subject ay pabayaan na lang daw ito at matuto na lang mag move on. Wag stressin ang sarli at baka maka apekto pa ito sa mga susunod pang subject. Kaya magtiwala ka na lang sa iyong sarili. Matapos kumain ay agad na kaming bumalik sa room para makapag relax ng konti at makapag ready na sa susunod na exam. Ang sunod na exam ay ELECS. Akala ko ay sobrang dali lang ng ELECS dahil alam kong isa ito sa mga paborito kong subject. Buong akala ko ay mamaniin ko lang ito. Pero nagkamali pala ako, sobrang hirap rin pala ng ELECS. Yung tipong parang hindi mo pa talaga nabasa yung mga tanong dati, as in wala kang ma looksfam. Balik ka nanaman sa mga basic concept at tamang diskarte. Mag concentrate ka lang maigi at I analyzed mo lang maigi yung mga tanong at marami kang masasagutan ng tama. Kakaunti lang rin yung mga circuits pero madali naman syang sagutan. After 4 hours ay tsaka pa lang ako natapos sa ELECS. Meron pang natitirang isang oras, pero hindi ko muna ipinasa ang aking papel. Nag double check muna akong mabuti sa mga sagot ko. 5:30 PM nung mag pasya na akong magpasa. At sa wakas ay natapos na rin ang unang araw ng exam. Kaya agad akong umuwi ng bahay para makapagpahinga ulit ng maaga. Hindi ko na ginalaw yung mga notes ko para makarelax ako dahil sa sobrang pagod sa pagiisip at pagsasagot maghapon. Mga 11:00 PM na ako nakatulog at 4:00AM ulit ako gumising.

2nd day of ECE Board Exam (October 21, 2018). Ito na yung last day ng exam sa ECE pero 7:30 AM pa ang pasok dahil diretso exam na lang naman na. GEAS ang subject at sabi nila wag kang matakot sa GEAS lalo pag taga Excel ka. 8:00 AM binigay yung test paper sa GEAS. Pagsilip ko sa 1st page meron mga Chem madali lang sya pero wala pa akong balak sagutan dahil gusto ko muna scan yung buong exam, para pakiramdaman ko yung mga ipapriority kong sagutan. Hanggang sa nagsimula na akong magsagot. Halos walang palya yung mga sagot ko pag dating sa GEAS. Ito yung kaisa-isang subject na kinatatakutan ko dati na alam kong magiging weakness ko, pero pagdating sa exam ay ito pa yung naging strength ko. Hindi naman sa pagyayabang pero medyo minani ko lang talaga ang GEAS. Kaya maraming salamat sa mga turo ni sir JJ at sir Emil ng Excel. Medyo maaga akong natapos matapos at sobrang naging confident talaga ako sa mga sagot ko. Pero hindi pa rin ako nagpasa, na idlip muna ako at hinantay ko mag 12:00 PM bago ko iabot yung papel. Pagkatapos ng exam ay agad kaming kumain ng mga kasama ko. Ganun ulit wala pa rin akong dalang kutsara dahil Andok’s pa rin yung baon ko. Yun lang kasi yung madadaanan ko bago ako sumakay ng tricycle papapunta sa venue at isa pa rush rin kasi ako nun. Pinagusapan naming na medyo madali nga yung exam sa GEAS pero hindi ka pa rin pwedeng maging over confident at magingay dahil may ibang mga tao sa paligid na nagsasabing mahirap daw ang GEAS. Pagkatapos kumain ay agad na kaming bumalik sa exam room. EST yung pinaka last exam. Alam kong madali lang ito. Hindi na ako masyado nakareview dito dahil isa naman to sa mga favorite subject ko. Mabilis ko lang inaral to at nagfocus lang ako dati dito sa mga concepts at maraming books pero syempre hindi pa rin ako nagpabaya sa EST dahil alam kong meron mga nagcondi dito dati at sayang naman kung kakapusin ako ng kahit 1 point man lang, kaya kahit alam kong madali ay inaral ko pa rin sya. Pagabot ng exam, scan ko agad yung buong page. Sa katunayan ay EST talaga yung pinakamahirap na subject sa mismong exam. Mabuti na lang at medyo malakas ang pundasyon ko dito. Pero talagang nahirapan rin ako dito sa subject na to ng sobra. Yung type ng mga question dito ay puro analyzation tapos yung mga choices ay halos lahat tama. Kaya much better to choose the best answer, wag kang maging kampante sa mga naunang sagot mo. 3.5 hours ko tinapos yung EST kaso ayaw ko pa rin ipasa yung test paper ko. Inulit ko ng mga limang beses i-scan yung buong page. May mga sagot akong pinalitan. Sa huling pagkakataon bago ko ipasa yung papel ko ay ng dasal muna ako ng taimtim. Tsaka ko sinabi sa sarili ko na sa wakas ay natapos ko rin ang lahat ng exam. Kung ano man ang magiging resulta ng exam ay taos sa puso kong tatanggapin at alam kong yun ay deserve ko. Hanggang sa nagpasya na akong ipasa ang aking papel at bago ako lumabas ng room ay parang ninamnam ko muna ng mga ilang segundo yung moment na nasa loob pa ako ng room. Iba kasi yung experience na makapag take ka ng board exam. Agad akong umuwi sa bahay para magpahinga ng kaunti at syempre hindi pa tapos ang laban, dahil yung meron pang board exam ng Electronics Technician kinabukasan. Hindi na ako nagreview para sa ECT dahil alam kong kayang kaya ko naman ito, dahil may mga part dito na nadadaanan sa review naming sa ECE.

1st day of ECT Board Exam (October 22, 2018). Ito yung pinaka last exam na itatake ko. Sa New Era University sa QC ang venue. Medyo maaga ako umalis ng bahay dahil 6:30 AM ang nasa schedule at baka abutan pa ako ng traffic. Marami akong kakilala na mageexam rin sa New Era, dahil halos karamihan ay dun rin naka assign. Pagpasok ko sa room ay ilang sandali pa ay nagsimula ng magbigay ng instructions ang proctor. Sinabi rin nila na hindi daw muna sila magpapalabas kapag wala pang 9:00 AM. 50 items kasi yung sa ECT at meron talagang sobrang bibilis magsagot dito. 8:00 AM ng ibigay sa amin ang exam. Scan ko ng konti at agad akong nagsagot. More on concept at analyzation sya at yung math ay kayang idirect sa calculator. Wala pang 9:00 AM ay agad akong natapos kasama na dito yung pag double check, kaya nagpasa na kaagad ako. Pero 9:15 AM nagmagsimula silang magpalabas ng room. Pagkalabas ko ay marami na ring mga nauna sa akin. Puro mga naka salamin nanaman ang mga nakita ko. Sabi ko sarili ko mga nerd siguro tong mga to. Pagkatapos ng lahat ay agad nanaman akong umuwi sa bahay.

Sa wakas ay natapos ko na lahat ng mga exams. Sobrang nagpasalamat ako sa panginoon at alam kong ginabayan at pinatnubayan nya ako sa bawat mga tanong na sinasagutan ko. Iba talaga yung feeling at yung part na na-experience mo na magtake at kinaya mong tapusin ang exam sa kabila ng kaba, saya, lungkot, excitement at pressure. Dun pa lang ay parang alam mong nanalo ka na, dahil alam mo sa sarili mo na you’ve improved a lot na hindi na ikaw yung dati na parang nangangapa pa sa kawalan, na walang self confident para tumungtong man lang o sumubok na magsagot ng exam. Alam ko rin naman sa sarili ko na kinaya ko. Pero hindi pa rin pwedeng maging

The next day after ng exam ay nagstay pa ako ng isang araw sa bahay ko sa Manila. Binisita ako ng dalawang classmate ko nung college sa AMA. Kasabay ko rin kasi sila ng exam sa ECT exam. Konting inom para mawala ang stress at pagod. Topic namin dito yung about sa exam. Maaga rin kaming natapos at nagempake na ako ng mga gamit ko. Dahil kinabukasan ng umaga ay susunduin na ako para maka uwi na sa bahay namin sa Olongapo. Tanghali na ng makarating ako sa bahay at agad akong sinalubong ng misis at anak ko. Sobrang saya ng feeling na alam mong tapos na ang lahat ng paghihirap mo at makakapag relax ka na. Habang ng hihintay ng result ng exam ay pinilit ko munang libangin ang sarili sa pakikipaglaro sa baby ko at sa paglalaro ng computer. Thursday ng October 25, 2018 ng 6:00 PM ay nag simula na akong maghantay ng result sa internet. Konting tambay sa GC namin ng mga classmates ko sa review. Sobrang intense ng mga sandaling ito. SIguro ay halos minuminuto ay nagchecheck ako sa internet. Hindi talaga ako mapalagay at halo halong emosyon yung nadarama ko. Andyan yung sobrang kaba, takot, excitement at konting saya. 7:00 PM na at wala pa ring ang result. Hanggang sa umabot na ako ng 10:00 PM sa kakahantay ay wala pa rin talaga. Kaya minabuti ko na lang na matulog at pinagpalagay na baka kinabukasan pa ilabas ang result.

Pag dating ng kinabukasan October 26, 2018 ay maghapon nanaman akong nanood ng movie at naglaro ng computer para bumilis ang takbo ng oras. Ika nga nila ay “time flies when you’re having fun”. 6:00 PM nang sumilip ako sa internet pero wala pa rin talaga ang result. Pero this time super intense na talaga ng bawat sandali. Lalong dumoble yung tension na nararamdaman ko kasi ano mang oras ay siguradong lalabas na ang resulta ng lahat ng pinagpaguran ko mula pa man nung grade 1 ako hanggang sa pagtatapos ko ng college at nung mag review center ako. Dahil para sa aking pananaw ay sa result na ito magrereflect yung lahat ng effort, sacrifice, dedication at yung mga naging desisyon ko sa buhay. Parang ito yung pinaka true test of merit mo para sa sarili mo. Para sa akin naman ay ito lang yung isa sa pinaka the best way ko para i-evalutate ang sarili ko. Kahit na batid ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga ito ang magdidikta ng magiging kapalaran ng buhay ko sa hinaharap. Kung sakaling hindi ka man palarin sa exam, then don’t worry kasi marami ka pa naman time para makapagtake ulit. Sabi nga ni Ziglar “If you learn from defeat you haven't really lost”.  Basta itatak mo lang palagi sa sarili mo na you are already an engineer “just claim it” at yung time na lang ang magsasabi kung kailan, bastat wag na wag ka lang bibitiw sa mga pangarap mo at wag na wag ka lang mawawalang ng pagasa at lalong lalo ang susuko. 7:27 PM of October 26, 2018 habang hawak ko nanonood ako ng TV at hawak ko naman ang cellphone ko. Biglang may nag pop up na message sa messenger ko galing sa dati kong MATH instructor sa AMA “Wally congrats! Nakapasa ka Engr Evangelista”. Sabay biglang laki ng mga mata ko at sobrang saya ko at parang hindi pa rin ako makapaniwala, pero kontrol pa lang yung saya ko dito dahil need ko muna iconfirm to. Kaya tinanong ko sya kung totoo ba? At tinanong ko kung saan nya nakita. Sabi nya ay sa PRC FB page daw. 867 Evangelista Wally Mayo. Kaya inagaw ko muna yung komputer ko sa misis ko at sobrang excited ako na tuwang tuwa. Ayun na nga nakita ko na nga yung pangalan ko sa list ng (ECE) BOARD EXAM RESULTS OCTOBER 2018. Sabi ng misis ko “Daddy kinaya mo ng 1 take! Congrats!”. Agad akong nagpasalamat sa panginoon at sabay sabi ko ng malakas “Yes! Kinaya ko! Engineer na ako! Thank you Lord!”. Yung moment na yun ay talagang di ko maidescribe yung sobrang saya at pagkaproud ko sa sarili ko. Dahil sa kabila lahat ng paghihirap at sakripisyo ko at ng buong pamilya ko. Lahat ng ito ay nagbunga. Iba pala talaga ang feelling at fullfillment na maibibigay sayo kapag naipasa mo ang board exam. Nag congrats na agad sa PM yung mga ibang mga friends ko na agad naka alam. May bonus pa dahil naipasa ko rin yung ECT BOARD EXAM. Agad kong tinawagan yung nanay at tatay ko at sinabi ang magandang balita. Kitang kita sa mga mata at mga ngiti nila ang sobrang galak at kasiyahang hatid ng aking pagpasa sa dalawang magkaibang board exam. Sa sobrang proud ko sa sarili ko ay hindi ko naiwasang mag post sa FB para icongratulate ang sarili ko. Hanggang sa umulan ng papuri mula sa comment at aking inbox sa FB. Sa moment na ito ko mas lalong napatunayan kapag binigay mo talaga ung pinaka best mo at nanalig ka lang sa panginoon ay kahit anong hirap man yan tiyak ikaw ay magtatagumpay. Sa mga taong sumuporta, gumabay, tumulong at naniwala sa akin ako po ay muling nagpapasalamat sa inyong lahat. Kung hindi dahil sa inyong lahat ay hindi ko po ito magagawa. To all passers Congrats rin pong lahat sa inyo.

To all readers
Thank you and God bless!

Ika nga nila “Do your best and God will do the rest”
Ginawa ko po yung blog na ito dahil na inspired ako sa blog ni ENGR. Jonathan Evangelista. Ilang ulit ko binasa yung kwento nya nung bago ako magboard exam. Kaya nakatulong at nakapag move rin ito sa akin.

Please listen to this song!




3 comments:

  1. CongratZ! :) Share ko to sa mga friends ko na kukuwa ng board. Mas updated ung story mo. Mas na inspired ako sa blog mo. keep it up! Continue to write. After a decade at binasa mo ulit ito sobrang nakaka goosebumps pa rin ang feeling. hehe yung parang andun ka mismo sa season na yun ng life mo.. it will makes you smile. pramis.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mrming slmt po s pg basa at s compliment boss. God bless po

      Delete

Piso o Bayan?

Piso o bayan? Botohan na naman pala, sa ika trese ng Mayo. May napili ka na bang kandidato?  Gaano ka ba kaya kasigurado? N...