Friday, 10 May 2019

Piso o Bayan?

Image result for SLUM


Piso o bayan?


Botohan na naman pala, sa ika trese ng Mayo.
May napili ka na bang kandidato? 
Gaano ka ba kaya kasigurado?
Na makakamtan ang tunay na pagbabago.

Namumulitika't napapadpad sila saan mang dako .
Na tila ba'y lahat ng sulok ay sinusuyo.
Puro na naman mga pangako.
Sana nama'y sa pagkakataong ito'y wag nang mapako.

Sari saring mga plataporma.
Kanya kanya pakulo at drama.
Malalakas na tunog, na nakakabingi na.
Na pag naluklok nama'y ni anino'y di mo makita.

May ilan pa, na ang salapi'y pinang-aalok.
Papayag ka bang ipagbili ang boto mo?
Yan na lamang ba halaga ng iyong pagkatao?
Nasasaan na ang iyong talino?

Oh bayan ko!, binihag ka! 
Nasadlak sa dusa.
Dati'y sa kamay ng mga dayuhan
Ngayo'y sa kamay ng mismong mga kababayan

Kaibigan, pakatandaan na ang mga marka sa iyong balota.
Kapalaran ng ating bansa'y syang magdidikta.
May magagawa ka para sa bayan.
Bumoto ng matapat na syang karapat dapat.

Piso o Bayan?

Piso o bayan? Botohan na naman pala, sa ika trese ng Mayo. May napili ka na bang kandidato?  Gaano ka ba kaya kasigurado? N...